Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
Ang orihinal na bandila na iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapahayag ng kalayaan noong 1898.
Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite), Pilipinas. Binasa sa publiko ang (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino), na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.
Ang Pagpapahayag noong Hunyo 12[baguhin]
Paglalarawan ng pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas na makikita sa lumang limang piso.
Inihayag ang kalaayan noong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng ika-apat at ika-lima ng hapon sa balkonahe ng bahay ng angkan nila Heneral Emilio Aguinaldo. Nasaksihan ang sa kauna-unahang pagkakataon ang pambansang watawat ng Pilipinas, na ginawa sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagtatanghal ng Marcha Filipina Magdalo,mas kilala ngayon bilang Lupang Hinirang, na isinulat ni Julián Felipe at itinugtog ng banda San Francisco de Malabon.
Paglaban para sa kalayaan[baguhin]
Ang pagpapahayag ng kalayaan ay hindi kinilala ng Estados Unidos o ng Espanya.
Noong huling bahagi ng 1898, isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris noong 1898 na nagwakas sa digmaang Kastila-Amerikano.
Hindi kinilala ng pamahalaang rebolusyunaryo ng Pilipinas ang kasunduan at ang soberenya ng Amerika, at lumao'y lumaban at natalo sa Estados Unidos sa tinatawag ngayong Digmaang Pilipino-Amerikano, na nagwakas ng mahuli ng hukbo ng mga Estados Unidos si Emilio Aguinaldo,[1] at nagpalabas ng pahayag nang pagkilala at pagtanggap sa soberenya ng Estados Unidos sa kapuluan ng Pilipinas.[2] Sinundan ito noong Hulyo 2, 1902, nang pagtetelegrama ng Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos na si Elihu Root na ang pag-aalsa ay winakasan ng Estados Unidos at ang pagtatatag ng isang pamahalaan sibil panlalawigan sa kapuluan maliban na lamang sa mga lupang sakong ng mga Moro.[3] Nagpatuloy pa rin ang mga maliliit na pag-aaklas sa mga sumunod na taon.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagkaloob ng Estados Unidos ang kalayaan noong ika-4 ng Hulyo 1946 sa bisa ng Kasunduan sa Maynila noong 1946.[4] Ipinagdiriwang ang Hulyo 4 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas hanggang noong Agosto 4, 1964. Dahil sa mga payo ng mga dalubhasa sa kasaysayan at sa pagpipilit ng mga makabayan o nasyonalista, nilagdaan ni nang noong Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Pambansa Bilang 4166 na naghihirang sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.[5] Bago iyon, ang Hunyo 12 ay ipinagdiriwang bilang Araw ng Watawat at maraming mga gusaling pampamahalaan ang hinihikayat na itanghal ang Watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tanggapan.